Miyerkules, Oktubre 10, 2012

Mga Kontribusyon ni Sarah Geronimo


Malaki ang kontribusyon ni Sarah Geronimo na isang mang-aawit, mang-sasayaw, endorser sa kulturang Pilipino. Dahil sakanya nakilala ang ating bansa sa pag-awit. Marami ding Filipino ang nahilig sa pag-kanta kaya't nag-usbungan na parang kabute ang mga mangaawit at nauso din ang mga labanan sa pagkanta dahil sakanya. Hindi lang sya kilala sa kanyang pag awit pero sya ay nakilala din sa kanyang pag-arte at pag-sayaw. Siya din ay tinatawag na "Concert Queen of the new generation" dahil sa kanyang mga sold out na concerto. At dahil rito hindi na naghahanap ang mga tao ng internasyonal na mang-aawit at dahil hindi na sila naghahanap pa ng mga mangaawit mas tumataas ang ekonomya ng ating bansa dahil sakanyang mga concerto at palabas. Ganun na din sakanyang mga Pelikula. kaysa manood ang mga tao ng mga internasyonal na pelikula mas pipiliin nila ang mga blockbuster na pelikila ni sarah geromino. Kilala si Sarah Geronimo sa kantang "To Love You More" ni Celine Dion, siya naturing Celine Dion ng Pilipinas. Ang kanyang mga blockbuster na pelikula ay "A Very Special Love" at "You changed my life" na talagang pinilahan ng mga Pilipino, na umabot ng milyon-milyon na gross net kaya sya ay kinikilala na bilang Prinsesa ng Pelikulang Pilipino at nanalo din sya sa Pasado Awards bilang Pinakapasadong Kabataan sa Larangan ng Pelikula at Akademya. Halos lahat ng kanyang album ay nagkaroon nag 3x platinum at sya din ay nanalo taon taon ng "Female Recording Artist of the Year"


Ginawa ni: Maria Orosa Jacinto

Martes, Oktubre 9, 2012

Paglalarawan sa Katangian ni Sarah Geronimo

Ayon sa isang International producer na si Christian de Walden pinuri niya ang magandang boses ni Sarah at sinabi "The personality of her voice is phenomenally distinct. Many have great voices but they tend to imitate foreign divas like Mariah Carey or Whitney Houston. She definitely is the biggest talent I have come across with in the last ten years."

Ayon naman kay Camille Bersola ng Philippine Star inilarawan niya si Sarah bilang isang pop icon at isang inspirasyon sa mga kabataan ngayon. 

Pinuri rin ng Manila Bulletin si Sarah at sinabing :
"Sarah’s very successful concert showcased the various facets of her personality. She’s an old soul who can sing Celine Dion’s "If I Could" and Mariah Carey’s "Through the Rain" with such emotion. She’s an 80’s baby who can moonwalk to "Billie Jean" ala Michael Jackson. She’s a budding belter who can hit the high notes of Whitney Houston’s "The Greatest Love of All" with the Asia's Songbird – Regine Velasquez."

Si Joy Belmonte naman ay sumulat sa philippines star upang magbigay komento kay Sarah at sinabi na “She’s wholesome on and off camera, untainted by unsavory rumors. She’s an ideal daughter and that makes her a good role model for the youth"

Pinaggalingan (Source)http://en.m.wikipedia.org/wiki/Sarah_Geronimo#section_2

Sinabi din ni Rajo Laurel isang sikat na fashion designer na nararapat lang kay Sarah ang nakakamit niya tagumpay sapagkat hindi lang maganda ang panglabas pati narin ang pangloob na katangian nito.


(c) Princess Jasmine Latorre

Linggo, Oktubre 7, 2012

Sino nga ba si Sarah Geronimo?


Totoong pangalan: Sarah Asher Tuazon Geronimo
Kapanganakan: Hulyo 25,1988, Quezon City, Philippines
Taas: 5' 4" (1.63 m)




Si Sarah Asher Tuazon Geronimo ay ipinanganak noong ika-25 ng Hulyo, 1988. Siya ay anak ni Delfin Geronimo, dating nagtatrabaho sa PLDT, at Divina Geronimo na nagtayo ng “beauty parlor” sa kanilang bahay sa Sta. Cruz, Manila. Apat silang magkakapatid (Johna Rizzie, Sunshine Grace, at Ezekiel Gabriel) at siya ay pangatlo.

Unang nagturo sakanya ng pagkanta ay ang kanyang tatay. Nagtiyaga silang magpraktis araw-araw para gumaling ito. Dalawang taon lamang siya noong una niyang pagkanta sa entablado. Kinanta niya ang “Pasko nanaman” na kinanta ni Pinky Marquez at Richard Revnoso. Pagtuntong niya ng Ika-apat na taon, tinulungan at sinamahan sya ng kaniyang ina na si Divina sa mga iba’t ibang pedeng salihan.Naging bahagi si Sarah sa palabas na “Sarapen”, “Ang Tv, at “NEXT”. Isa din si Sarah sa mga nag tanghal noong bumisita si Pope John Paul II noong 1995. Sa murang edad, sumali siya mga iba’t ibang paligsahan ng pagkanta. Unang una nyang sinalihan ay ang “Tuklas talino” na suportado ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT).

 “Star for a Night” na pinamunuan ni Binibining Regine Velasquez ang nag pasikat kay Sarah. Noong Ika-1 ng Marso at labing apat na taong gulang si Sarah, nanalo siya sa kanta niyang “To love you more.” Nakatanggap siya ng isang milyon at kontrata sa Viva Artist Agency. Ginamit ni Sarah ang kanyang napanalunan na isang milyon sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid at para sa pagpapa-opera ng kanyang ate.

Dahil sa kanyang pagkapanalo, nagsulputan ang kanyang mga album, concert, sariling teleserye, regular na paglabas sa “A.S.A.P.” (1995), pageendorsyo at mga fans. Siya ay binansagan bilang popstar, teen princess at magandang halimbawa sa karamihan.

Pag di naman sya busy sa kaniyang mga ginagawa, naglalaan siya ng oras para sa kaniyang pamilya. Sabay sabay silang nagsisimba pag linggo. Hilig din ni Sarah ang pagbabasa ng “J.K. Rowling’s Harry Potter.” At paglalaro ng Video Games.

Pagdating naman sa pag-ibig, siya ay hinihigpitan ng kaniyang ina. Nagagalit ang kaniyang mga taga hanga dahil pinapakeelaman niya daw ang kaniyang anak kahit nasa wastong gulang na ito. Nagkaroon ng issue si Sarah kay Gerald Anderson at hindi boto ang kaniyang ina. Kaya hanggang ngaun, wala pading buhay pag-ibig si Sarah Geronimo.

Ngayon ay may sarili na siyang show na may pamagat na “Sarah G live” tuwing lingo ng gabi.


(c) Jara Mae Mantele